And in that moment, I swear we were infinite

Kung di pa ‘ko niyaya ni Gara sa Republiq para mag-celebrate ng birthday niya (instead ng napurnadang out of town/beach getaway sa Laiya) eh di ko pa masasabing nakapagclubbing na ‘ko for realz, like you know, yung-may-pagkasocial-climber-sa-class na clubbing.

Pano kasi, ang pinakaclub-y lang na napasok ko nung college eh yung IC’s Taas sa UPLB kung san consumable na ang below P100 mong entrance fee, merong dance pole na pwede mong sabitan or kapitan kung umiikot na ang mundo mo, at may libreng yosi essense na kumakapit sa buhok mo for days kahit tatlong beses ka pa mag shampoo. Pero pag college naman, party is cheap. Party lang ng very hard, whatever goes.

So eto na nga.

Iba pala gumimik ala socialite.

Una sa lahat, ang haba ng pila. Pambihira. Ganon nalang kadami ang mga taong gustong magwaldas ng pera para mabasag sila on a Saturday night. May floozy-looking girls, pa-hunk guys, couples, thunders, sandamakmak na Koreano, at mga pamintang buo na sure ball na madudurog pag narinig nila ang Run The World ni Beyon-Z. Ni-regret ko ang pagsusuot ng see through lace top dahil tumagos ang lamig ng aircon sa pagkatao ko. Cocktail table ang nakareserve para sa amin kaya secretly naiyak nalang yung mga paa kong nakasuot sa 5-inch platform heels. Pero keribels, naka-play constantly sa utak ko yung intro ng We Found Love ni Rihanna dahil sa makabulag na strobe lights sabay usok ng yosi habang chicken dance mala-Jess Day ang peg naming moves nila Geng at Jishi. Wapakels kung sinu-sino nang pasimpleng dumidikit samin, mukha namang mababango lahat ng tao dun. O epekto lang ba yun ng Absolut at Jägermeister, di ko na alam.

Kung natupad ang pangarap kong pumartey ng naka-power dress at heels (na di mo basta basta magagawa sa UPLB nang di lumalabag sa feminist values ng ibang tao at di na-o-OP dahil pambahay dress code and uso) eh natupad din ang pangarap ng mga kaibigan ko na lasingin ako. Yung plakda kind of lasing. Yung nakakahiya.

Nagising ako. Sa isang cubicle. Nakababa ang red kong shorts hanggang sa tuhod. May stranger na kasama.

Maygawwwd.

Sana nga may naka-MOMOL nalang ako sa washroom ng Republiq. Di pa nakakahiya.

But no.

Inakyat na pala ko ng attendant dun sa loob ng cubicle dahil mga kinse minutos na ‘kong borlogs. NKKLK. May ibang tao nang nakakita ng puri ko. Char! Pagtayo ko… ay di pala, di na nga pala ko nakatayo. Namalayan ko nalang na sunod, inaakay na ko ni Mike papuntang lobby ng RW at tapos nilagay yung trash can sa harapan ko dahil naglalabas pa ko ng sama ng loob. Kadiri all right.

Sa ride pauwi, wala na ko sa wisyo at all kaya sinamantala ng mga kaibigan kong kuhanan ako ng mga pinaka-unglamorous kong photos evarrr. (Tse! Asa pang may photo na kasama sa post na to!)

Yung feeling na under ka ng Obliviate spell. For realz pala yun. Di ko naaalala kung pano ko nakarating sa washroom. Kung pano ko nainom yung isang glass na puno ng cherries at gano katamis yun. Kung gano kagwapo yung Koreanong katabi ko (eh di sana duma-moves ‘na ko). At kung pano ko inamin na may gusto ko sa guy “friend” ko. Boom!

Sunod naman yung feeling na gusto bumalik palabas ng kinain ko makita ko palang yung prostitute red na bote ng Absolut sa kitchen counter nila Gara. At eto ako nangangako sa sarili kong di na iinom muli. “Lul”, sasabihin ng mga kaibigan ko in my face fo sho.

Mabilis kong kinalimutan ang parteng yun ng buhay ko. Gusto ko agad mag move-on. Char! Pero yung events na nag-lead sa point na yon, siyempre for the win yun.

That’s right, drunkos. It’s one of those I-swear-we-were-infinite moments.

♚♚♚

Advertisements

9 thoughts on “And in that moment, I swear we were infinite

  1. Dude, Akalain mong mas nakakatawa ka pala magsulat sa Tagalog? Gumugulong ako mag-isa kahit pa may dysme ako ngayon. Benta talaga pagkakakwento mo. Hahaha. I labet! Ulitin naten to. Sunod, matulog ka para hindi ka magsuka ng ganun. Pero masaya kaming lahat na nalasing ka! Achievement namen yon, seryoso. Mas bebenta to pag may pichurs! hahaha.

    • Thank you! Peg ko talagang maging katatawanan lang yung kahihiyan ko. Achieved. Lol. Shatap on the photos part! Di ko na mareredeem ang sarili ko pag lumabas ang mga yun. Btw, I read an article which relates Jägermeister to memory loss. Ha ha.

      • Funny in a cute way naman badong. haha. This night goes down in history! LOL. Ayun naman pala sa Jaegermeister! Have you tried Daquiris? Napapasayaw ako dun ng bongga. Different acohol has different effects on people. haha

  2. Oh em gee-ah! Kikay post! Ang dami kong tawa. Mahigit isang linggo na pa lang nakakalipas at pag naaalala ko, sharks! The Best! Pictures! Pictures! Yung asa kotse. LOL.

  3. Oh em gee-ah! Kikay post! Ang dami kong tawa. Mahigit isang linggo na pa lang nakakalipas at pag naaalala ko, sharks! The Best! Pictures! Pictures! Yung asa kotse. LOL.

  4. Pingback: Yet Another Long List | bunny teeth no more

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s